Saturday, June 01, 2013

Paglingon Sa Nakaraan


kasabay ng paglipas ng araw
nalilimot din ang barkadahan.
parang pahina ng kalendaryo,
unti-unting nalalagas ang buwan.

bawat isa 
may landas na tinatahak.
may kanya-kanyang
pinaruonan.

wala na nga 
ang ingay ng tropa
tawa ng kaibigan
saya ng pagsasamahan.

sa paglingon sa nakaraan
bumalik ako sa lugar
kung saan 
madalas mag-umpukan

tahimik na, ibang-iba
binago na ng panahon.
katunayang 
wala na nga kayo

sa paglisan ko
nasabi ko na.........

“nakabalik ako sa lugar,
pero hindi sa panahon
na kasama ko kayo”

Kakamis di ba?
Reactions:

Followers