Wednesday, June 12, 2013

Humarap Sa Salamin Upang Malaman Mo Kung Sino Ka


Bakit may mga taong makasarili? Bakit may mga taong walang pakiramdam? Bakit may mga taong di tumitingin sa ginagawa niya sa kapwa? Ang mga ganitong tao ay walang kapwa tao at di dapat bigyan ng kahit konting pansin.
May panahon ka pa kung sino ka man. Bago mo punahin ang iyong kapwa,tignan mo muna ang iyong sarili kung tama ang ginagawa mo. Tignan mo kung sa iyong nagawa ay wala kang naagrabiyado. Sabi nga, tignan mo ang iyong nilalakaran, baka ka mabunggo.
Marami pang magandang mangyayari sa buhay, dahil habang may buhay, may pag-asa. Habang ikaw ay nagsusumikap, marami kang makakamtang kinabukasan. Huwag kang tumigil sa pag babakasakali sa iyong buhay, kumilos ka at huwag umasa sa iba.
Kung magpapatay-patayan lang sa manukan, paano ka aasenso. Ang buhay sa sandaigdigan ay punong-puno ng pagsubok. Huwag kang agad-agad susuko sa mga ibinibigay sa iyong paghihirap. Tandaan mo kapag may hirap may ginhawa.
Iwasan mo ang mga haka-haka sa iyong isipan. Huwag kang manghuhusga ng taong kilala mo lang sa kanyang mga nagawang pagkakamali. Ang lahat ay may karapatan sa kanyang pagbabago.
Huwag mong batuhin ng bato ang isang taong makasalanan dahil siya ay tao lamang. Kung sapalagay mo, ikaw ay isang taong isinilang ng walang kasalanan, batuhin mo ang bawat taong para sa iyo ay makasalanan.
Siguro, kahit minsan lang ay humarap ka sa salamin. Titigan mo ang iyong kabuuan. Kausapin mo ang iyong sarili. Tanungin mo kung ikaw ay walang nagawang kasalanan simula sa iyong pagkabata.
Sa pamamagitan nito ay malalaman mo kung sino ka? Ano ang iyong pagkatao at kung may karapatan kang manghusga ng kapwa tao mo. At dahil dito, baka maunawaan mo na ang mga bagay na di mo nauunawaan.


3 comments:

  1. haaaayyyyy... i feel you... I have been wanting to post something related to this...

    nakuha mo! spot on! galing!

    ReplyDelete
  2. dapat talaga umpisang kilalanin ang sarili. mas magiimprove tayo kung sarili muna natin ang ating pagtutuunan ng pansin at mas magiging aware tayo sa sarili nating kakulangan.

    ReplyDelete
  3. Mini Touch Hair Trimmer - 3" Tall Tall Wire Cut for 3" Tall
    Mini Touch Hair titanium fitness Trimmer - 3" Tall Wire Cut titanium pipe for 3" titanium phone case Tall Wire babyliss pro nano titanium flat iron Cut for 3" Tall Wire Cut for 3" Tall Wire Cut for 3" Tall Wire Cut for infiniti pro rainbow titanium flat iron 3" Tall Wire Cut for 3" Tall Wire

    ReplyDelete

Followers