Thursday, September 05, 2013

Ubos-Ubos Biyaya: Yan ang turo ni Mam

Silangan Elementary School
Ako’y lumaki sa probinsiya. In short, probinsiyano. Namulat ako sa hirap ng buhay doon sa aming baryo. Kung meron kang gusto, dapat pag-ipunan mo muna bago yun mabili. Kaya naman, natuto akong mag-impok. Ginawan ako nun ng tatay ko ng alkansyang yari sa kawayan. Araw-araw hinuhulugan ko yun mula sa baon ko. Limang piso ang baon ko noon sa isang araw, yung tatlong piso lang o kaya apat na piso ang ginagastos ko. Hindi pwedeng wala akong maihulog ng isang araw.
Ang pagkamulat ng pag-iipon ng maaga ay isang katangian na tataglayin mo na hanggang sa iyong paglaki. Hindi lang sa munting kubo namin sa baryo ko natutunan ang kahalagahan ng pag-iimpok kundi pati sa aming paaralan. Lagi sinasabi ng titser ko nuon na dapat huwag ubos-ubos biyaya para hindi tutunganga pag naubos na ang pera.
Pero ano itong nabalitaan ko na may isang guro daw ng Grade 3 sa Silangan Elementary School sa Taguig na araw-araw ay nagtitinda sa kanyang mga estudyante? At eto ang malupit, pataasan ang mga estudyante nya ng nabibili kay mam. Hinati-hati nya sa ilang grupo ang kanyang mga estudyante at kung anong grupo ang pinakakaunti ang nabili ay sila ang maglilinis sa kanilang silid-aralan.  
Ano ang matututunan ng mga bata sa ganitong sistema? Oo, pwede sila maging masipag at matutong maglinis, pero kung tamad ang isang bata, gagastusin na nya lahat ang kanyang baon para hindi sila ang maglinis. Sa pakiwari ko, parang parusa sa kanila yun dahil kaunti lang ang nabili ng kanilang grupo. Hindi ko alam kung saan napupunta ang tubo ni mam. Pero kahit pa sa kanilang paaralan lang din napupunta, hindi pa rin magandang tignan.
Dati daw, ang anak ng kaibigan ko ay pinagbabaon nya ng pagkain. Ngayon ayaw na nya dahil ang gusto na niyang baon ay pera para may pambili siya sa paninda ni mam at maka-ambag sya sa nabibili ng kanyang grupo. Gusto niyang baon ay singkwenta araw-araw kasi daw yung mga kanyang ka-grupo ay kaunti lang ang baon. Paano kung araw-araw ay ang kanilang grupo ang may pinakakaunting nabili? E di araw-araw sila ang maglilinis?
Sana ang gawin na lang ni mam ay ”by schedule”. Total ay may kanya-kanya naman na silang grupo, dapat araw-araw ay ibang grupo ang maglilinis.

Alam kaya ito ng kanilang principal na si Cipriano Bisco, Jr? Sir principal, bakit naman po ganun? Baka pwede po pakitignan naman yung isang titser nyo dyan. 


Reactions:

12 comments:

  1. ginawan din ko ng tatay ko ng alkansya noon sabi pa nga niya bubuksan lang daw yun pag tahimik na ang kaso di naman siya napuno kaya ayun, nabuksan ng di oras dahil may kailangan bilhin sa paaralan..

    Aba-aba sobra naman ata si mam o si guro dun, di ba meron panuntunan sa isang paaralan na hindi pude magbenta ang mga guro lalo't pa kung ito isang sapilitan..

    ReplyDelete
  2. Kami dami by schedule. Row 1 row 2 row 3 ganyan row 1 monday row 2 tuesday yun nga lang may mga tumatakas pera ang bawas naman ay sa grade nila. Ewan ko pero hindi naging issue sa amin yan dati yung kung sino maglilinis.

    Parang tinuruan na din ni Mam kung paano maging powerful gamit ang pera. Tsk tsk!

    ReplyDelete
  3. May ganyan din akong titser nung araw eh pinuntahan ng ate at tinalakan lol :P

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. nakakalungkot naman malaman yan...mukang parusa ang ginagawa ng guro na iyan. hindi nakakatulong sa pagkatuto ng bata sa paaralan.

    nung high school ako, may nagbebenta din samin na mani :) namimilit pa bili daw kami. suma-sideline mga teacher ah.

    ReplyDelete
  6. GANUN DIN AMIN SA PAARALAN
    DYAN DIN AKO NAG-ARAL SA SILANGAN ELEMENTARY SCHOOL
    NGAUN GRADE 6 SEC 1 NA AKO
    GANUN RIN ANG ADVISER NAMIN
    PAG KAUNTI LANG TRAY NAMIN
    AT KAMI ANG PANGHULI
    KAMI ANG NAGLILINIS...

    GANUN KALUPET SA AMIN

    ReplyDelete
  7. PERO NUNG GRADE 5 SEC 1 AKO
    MABAIT ADVISER NAMIN NA SI SIR JAYSON LAYUGAN :)

    ReplyDelete
  8. GANUN DIN AMIN SA PAARALAN
    DYAN DIN AKO NAG-ARAL SA SILANGAN ELEMENTARY SCHOOL
    NGAUN GRADE 6 SEC 1 NA AKO
    GANUN RIN ANG ADVISER NAMIN
    PAG KAUNTI LANG TRAY NAMIN
    AT KAMI ANG PANGHULI
    KAMI ANG NAGLILINIS...

    GANUN KALUPET SA AMIN

    ReplyDelete
  9. Make the screen brighter. Your performance will be decreased even though you may enjoy the atmosphere of a darker playing area. It is easy for colors to bleed together in the dark, Maplestory M Buy Mesos which makes spotting enemies much harder. You should turn up brightness to help this problem. This helps you recognize the colors much better and see those enemies before they attack you.

    For young children, it is best to disable the chat feature on games. You should not expose your young kids to these types of communications. If a game doesn't give you the ability to disable the chat, do not buy it in the first place.

    The Internet is a great source of information for parents, Maple Story 2 Mesos but you can always ask to sales associate in the store as well.

    ReplyDelete
  10. You can play games to get coins, then sell them or put them in the game to generate more coins, I don't think it is wise to buy Madden Overdrive Coins there. For me, I have been buying Madden Overdrive Coins on the MMOAH website and it feels good. Of course you can also search for MUT 19 Coins in Google. There will be many websites in it. Selling, but I think MMOAH is the best. The service attitude of their website is very good, the delivery is also very fast, the product quality is very good, mainly it is very safe, which is very much I care.

    ReplyDelete
  11. When you meet a good game website, you can buy cheap SWTOR Credits. A good game website must first ensure the security of the transaction, followed by the price. Because the market competition is relatively large, each website is willing to give players a great discount on the price. I often Buy SWTOR Credits on the MMOAH website, because the game gold coins on the MMOAH website are all artificially refined, completely legal, and the customer service is also very enthusiastic and responsible. The delivery speed will be very fast. The most important thing is that this website will give new and old customers. Customers with different offers, worthy of the player's trust!

    ReplyDelete

Followers