Tuesday, April 23, 2013

On Political Dynasty


(Photo from: NAMFREL)
Marami ang lumalabas na katanungan kung ano ba talaga ang DYNASTY? Marami na ang naguguluhan tungkol dito. May dunong man o wala ay pinag-iisipan kung ano ba ang dynasty na ipinakikipaglaban ng nakararami.
Para sa amin, ang DYNASTY ay isang pagtatalaga ng isang hari sa kanyang pamilya upang pamunuan o pamahalaan ang isang grupo o isang lugar, bayan o bansa. At ito ay hindi maaaring tutulan ng kahit sino dahil sabi nga noong araw, “UTO NG HARI... DI MABABALI!”
Kaya hindi natin maihahalintulad ito sa nagaganap sa ating bansa, sa ating pulitika. Hindi po tayo kung kani-kanino. Alam po natin na, nagkalat na sa ngayon ang grupo na idinadaan naman sa botohan ang nahahalal na magkakamag-anak, di po ba?
Sa madaling salita, hindi po basta inilagay ng namumuno ang kanyang ama, kapatid asawa, anak o apo man. Sila po ay idinaan sa botohan.
Paano po nating masasabi na ito nga ay Dynasty? May eleksyon pong magaganap sa ating bansa. Pumipili ang ating mga botante kung sino ang gusto nilang iluklok sa kanilang lugar o sa ating pamahalaan.
Marahil, kaya nila pinipili ang isang kandidato na kamag-anak ng namumuno sa kanila ay nagbabakasali silang kung ano ang ginawang buti ng kanilang nakatatas na oisyales ng kanilang bayan ay ganoon din ang gawin ng kamag-anak na kanilang ibinoto, di po ba?
Sabi nga “Kung ano ang puno... siya rin ang Bunga?” Kasi nga naman, hindi maaaring magbunga ng Santol ang Manga. Pero pag naging di maganda ang kinalabasan ng kamag-anak ng namumuno ang na ibi-noto nila, walang kinalaman ang sinasabing puno. Kaya nasa botante pa rin ang karapatan kung sino ang ibo-boto nila.



0 comments:

Post a Comment

Followers