Sunday, June 17, 2012

Araw ng Pahinga

Nakakabingi ang katahimikan. Ako na lang yata ang gising. Ilang oras na lang at magbubukang-liwayway na. Napapagod na akong basta na lang nakahiga sa aking kama. Gusto kong bumangon ngunit naisip ko, wala naman akong gagawin. Manuod na nga lang ako ng dvd. Ngunit anong panunuorin ko? Kung ilang ulit ko na rin kasing napanuod mga cd ko. Sa katunayan nga, puro gasgas na at tumatalon na kung pinapanuod ko. Palibhasa kasi, pinirata lng na dvd movies ang binibili ko. Yun bang tatlo singkwenta sa Quiapo. Magpapatugtog na nga lang ako. Love songs na mga Malaysian singers ang kumanta. Lintek naman o, di pa natapos ung unang kanta, namatay na mp3 player ko. Lowbat na pala. Hinanap ko yung charger. Sa bag ko, sa kabinet, sa ilalim ng kama, sa sala, sa kusina, sa banyo. Haist, wala. Halos nahalughog ko na ang bawat sulok ng bahay namin, hindi ko talaga makita. Nakakabwiset, ang liit ng bahay namin, charger lng hndi ko pa makita. Nang bigla kong maalala, iniiwan ko pala sa opisina dahil dun ako nagchacharge para makatipid sa kuryente. Wala tuloy ako magawa. Makahiga na nga lang, ipikit ko na lang mga mata ko baka sakaling makatulog ako at mapahinga naman ng kaunti. Ayan, pakiramdam ko tulog na ako. Wala na akong maramdaman sa paligid ko. Yung mga tilaok ng manok ng kapit-bahay namin ay hindi ko na marinig. Pati yung huni ng mga kuliglig na nakapugad sa punong mangga na katabi lang ng kwarto ko, wala na rin. Siguro nakatulog na nga ako. O baka naman napagud na sila sa pakikiramay nila sa akin na magpuyat kaya tinulugan na nila ako. Pero mas gusto kong isipin na nakatulog na nga ako.Bigla akong napabalikwas dahil tumunog na ang alarm ng celphone ko. Umaga na pala. Kelangan ko ng bumangon para makapaghanda sa pagpasok.Dumiretso ako sa banyo para magsipilyo. Asan yung toothbrush ko? Nawawala na naman! Malamang itinakbo na naman ng daga na sinlaki ng pusa. Pati ba naman daga kasi eh nagsisipilyo na? Kaysa hanapin ko pa at bawiin, bili na lang ako ng bago. Meron namang tigsampu sa tindahan ni Vermon, yung dating girlfriend ko.Pagkatapos ko maligo, diretso ako sa kusina para magkape. Kopiko brown ang paborito ko. Halos isang minuto ko nang hinahalo ayaw pa ring matunaw yung kape. Nakalutang lng. Yun pala malamig na yung tubig sa thermos. Hindi na namang natakpang mabuti kaya lumamig. Ano pa nga ba, napilitan akong magkape ng malamig. Isang lagok lng, ubos ko na. Diretso na ako sa kwarto para magbihis. Naks naman, bagong plantsa ung polo ko na black at slacks n kulay gray. Plinantsa ng ermats ko kagabi gamit ung deuling na plantsa. Pati medyas ko, plinantsa din. Hahaha. Pagkabihis ko, dali-dali akong bumaba ng bahay. Muntik pa akong mahulog sa hagdanan namin dahil sa pagmamadali at late na naman ako. Nauntog pa nga ako sa nakasabit na kaldero sa may hagdanan. Haist, naku naman. Ang swerte ng araw ko ngaun. Paglabas ko ng bahay, nandun na naman yung mga tambay na adik. Binati ako ng isang tambay sabay tanong kung saan ako pupunta at ang aga pa eh nakabihis na ako. Pak! Linggo pala ngaun. Wala akong pasok.

8 comments:

  1. Forgive my ignorance but what language is this?

    ReplyDelete
  2. ahehehe ... parang nangyari na yata sa akin ito dati LOL

    ReplyDelete
  3. Hahaha, napakagulo ng araw mo! Kaloka lang, akala ko din Monday kahapon, tsk tsk! In fairness, may mga araw talaga na super bored ka.. Nakakatawa eksena mo sa kape, haha!

    Hope today is better for you! Smile lang..

    ReplyDelete
  4. ayan tayo, nakarinig lang ng alarm! i-off dapat pag day off :)

    ReplyDelete
  5. hahaha ... panalo ang ending.

    Sa tinamaan naman ng magaling :)

    ReplyDelete
  6. Try mo kaya ms. Congressman maging ofw nang malaman mo kyng bakit ganito kami magreact

    ReplyDelete

Followers