Tuesday, August 27, 2013

Tunay na Repormang Pangkabuhayan ang Kailangan

[Photo source: http://definitelyfilipino.com]
Walang kasing sakit para sa isang magulang iwanan ang kanyang mga supling upang mangibang-bayan. Di alintana ng ating mga Pinoy OFW’s ang lahat ng hirap at panganib, maitawid lamang ang kanyang pamilya sa mas maalwan na bukas, mas matiwasay na pamumuhay at mas maayos na kalagayang pang pinansiyal.

Minsan ang sistema, dahil sa kamag-anak system  na ating minana pa sa ating mga ninuno, ang pangingibang bayan ng isang OFW ay nahahaluan ng kulay, lalo pa’t narito na ang kinang ng salapi.

Hindi maitatatwa ang pulitikang pampamilya. Siraan at pagmamalabis ng ilan nating mga kababayan ay parating nandyan. Mayroon pa nga akong isang kaibigan na nahiwalay sa kanyang maybahay, dahil pareho silang nag-aabroad nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Siniraan ang aking kaibigan ng mismong ina ng kanyang maybahay. At sa bandang huli, masakit na paghihiwalay ang nangyari sa kanila.

Naawa na lamang ako sa kanyang mga supling na hindi na niya nakita pang muli. Umalis ang kanyang maybahay, at dahil common law lamang ang kanilang pagsasama ay nakapag-asawang muli ang babae sa isang Filipino na sa US na nakabase.

Bukod sa kinahaharap na problemang pampamilya,  nagkakaroon din sila ng mga domestic problems na ikinasi-sira ng kanilang pagsasama.

Kung uugatin ang problemang aking nabanggit na luma-labas na pangkaraniwan na lamang sa ating bansa, lalo pa sa mga nagtra-trabaho sa ibang bayan, isa sa totoong dahilan ng paglabas ng mga Pinoy sa ating bansa ay kawalan ng opor-tunidad na buhayin ang kanilang pamilya dito sa Pilipinas.

Masakit mang isipin, ngunit binabansagan na tayo ng ibang bansa na “nation of slaves”. Di naman natin ito mai-aalis dahil sa dami ng ating mga kababayan na puma-pasok ng domestic helpers, caregivers at iba pa upang mabuhay at kumita kahit na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

Kaya siguro ay panahon na upang asikasuhin natin ang ating mga OFW’s na gumagawa ng lahat ng paraan upang makapag-trabaho sa ibang bansa. Iba na raw kasi ang kumikita ng Dollars.

Marami na ang mga bali-balita tungkol sa mga masasamang sinapit ng mga sinawing palad na mga kababayan natin sa naging karanasan nila sa bansang kanilang pinag-trabahuhan.

Subalit nabingi na yata ang mga nagnanais na makapag-trabaho sa ating karatig bansa. Talagang di na sila paaawat kahit pa ito ay maging sanhi ng kani-kanilang buhay. May mga katwiran kasing “kapag oras mo na, oras mo na.”

Kaya para sa mga pulitiko natin, maawa na kayo sa ating mga kababayang naghahangad na makapag-trabaho, isakatuparan na natin ang   tunay na repormang pangkabuhayan, ito ay kailangan ng ating mga kababayan upang manatili na lamang sila sa kani-kanilang mga pamilya. Pag ito’y naganap, masarap na matawag na tayo’y Pilipino.   


Reactions:

1 comments:

  1. Mas malaki kasi ang sahod sa ibang bansa eh. Compared naman dito diba? Minsan doon, doble at triple talaga ang sasahurin ng mga kababayan nating OFW. Kaya hindi rin natin sila masisisi kung ma-attract man sila sa oportunidad doon. Pipiliin na lng nila yung malayo sa pamilya at magsasakripisyo para sa magandang kinabukasan ng pamilya.

    Yang reporpormang pangkabuhayan kaya sobrang delayed na yata ang pagsasakatuparan niyan eh malamang sa malamang ay naibulsa na ng kung sino jan ang perang pampondo sana sa proyektong iyan.

    #ScrapPork #AbolishPork

    ReplyDelete

Followers