 |
| Screenshot of DOST Website |
Isang magandang balita sa
mga paaralan ang ginawa ng Department of
Science & Technology (DOST). Ngayon ay maaari ng subaybayan ng mga
opisyales ng pamahalaan gayundin ng publiko ang mga kaso ng dengue sa mga
paaralan sa tulong ng isang bagong website.
Makatutulong ang naturang website upang
ma-monitor ng mga health worker ang mga kaso ng dengue sa isang partikular na
paaralan at agad na magbigay ng rekomen-dasyon sa lokal na pamahalaan.
Gawa ng Philippine Council for Health
Research and Development ng DOST, ang bagong website na pinanga-lanang “Dengue Vector Surveillance website” ay nagpapakita ng mapa na may pula at puting lobo.
 |
| Red balloons indicate "alert" status |
 |
| White balloons means there are no dengue cases. |
“Red balloons indicate ‘alert’ which
means that the population density of dengue-carrying mosquitoes in a certain
area is too much and interventions are needed promptly,” ayon sa DOST. At ang
puting lobo ay nagsasaad na wala masyadong lamok o wala talagang lamok na
nagdadala ng dengue virus sa lugar na iyon.
Ikinukunsidera ng pamahalaan na isang
panganib ang dengue sa buong taon kung kaya hinihikayat ang publiko na
panatilihing malinis ang paligid.
Sa pamamagitan ng website, maaaring
makita ng health workers ang trends sa dengue at magpanukala ng mga aksyon ang
mga policy maker at ng mga lider ng mga komunidad.
Ayon sa website ng DOST, “This function
puts the country one step ahead of the dengue menace, the peak season of which
occurs during the rainy months.