Tuesday, July 23, 2013

Dengue Vector Surveillance Website of DOST

Screenshot of DOST Website 
Isang magandang balita sa mga paaralan ang ginawa ng Department of Science & Technology (DOST). Ngayon ay maaari ng subaybayan ng mga opisyales ng pamahalaan gayundin ng publiko ang mga kaso ng dengue sa mga paaralan sa tulong ng isang bagong website.

Makatutulong ang naturang website upang ma-monitor ng mga health worker ang mga kaso ng dengue sa isang partikular na paaralan at agad na magbigay ng rekomen-dasyon sa lokal na pamahalaan.

Gawa ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST, ang bagong website na pinanga-lanang “Dengue Vector Surveillance website” ay nagpapakita ng mapa na may pula at puting lobo.

Red balloons indicate "alert" status
White balloons means there are no dengue cases.
“Red balloons indicate ‘alert’ which means that the population density of dengue-carrying mosquitoes in a certain area is too much and interventions are needed promptly,” ayon sa DOST. At ang puting lobo ay nagsasaad na wala masyadong lamok o wala talagang lamok na nagdadala ng dengue virus sa lugar na iyon.

Ikinukunsidera ng pamahalaan na isang panganib ang dengue sa buong taon kung kaya hinihikayat ang publiko na panatilihing malinis ang paligid.



Sa pamamagitan ng website, maaaring makita ng health workers ang trends sa dengue at magpanukala ng mga aksyon ang mga policy maker at ng mga lider ng mga komunidad.

Ayon sa website ng DOST, “This function puts the country one step ahead of the dengue menace, the peak season of which occurs during the rainy months.




6 comments:

  1. Ang cool naman neto. Chinek ko yung area namin dito sa San Mateo, Rizal. So far so good naman. No warning pa. Ayos!

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. Yeah. I just stumbled upon their site while searching about dengue outbreaks.

      Delete
  3. This is technology working for the people. Galing naman ng nakaisp nito. I hope there will be more websites such as this, para naman sa monitoring ng iba pang mga sakit.

    Miss N of
    http://nortehanon.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, it is.
      my only concern is that the website seems not updated. It would be a great help if they were updating it daily.

      Delete

Followers